LARO NG KALIKASAN
Ok, game na ako
Halika at maglaro tayo
Larong aklam kong kami ang talo
Dahil sa huli, mawawala ka rin rito
Dito sa kinatatayuan ko
At diyan sa inuupuan niyo
Hawakan niyo ang mga damo
Tingnan niyo ang mga punong nagluluntian
Kahit natatabunan na ng lagim
Nalalanghap mo ba ang sariwang hangin
na walang bakas ng polusyon?
Ang ganda!
Pero ang lahat ng ganda ay kumukupas din, diba?
Hanggang kailan kaya ganito?
Hanggang kailan kaya ang gandang ito
Na alay ng ating mundo
Naalala ko pa noong tinanong
Ang ating Miss Earth na si Karen Ibasco
“What do you think is the real enemy of our mother earth?”
Nagulat ako sa kanyang sagot
Na tayo ang tunay na kaaway ng mundo
Tayo ang gumagawa ng gulo dito
Tayo ang sumisira sa gandang taglay nito
Kung ang relationship niyo ay nagtagal lang ng ilang linggo
Huwag mong itulad ‘tong mga puno sa paligid mo
Na mawawala rin gaya ng ex mo
Dahil oo, katulad ng ex mo na noong nag-break kayo
Ay parang gumuho ang iyong mundo
Ay mamamatay ka talaga kung ang mga punong ‘yan
Ay tumigil na sa kaka-supply ng hangin na nalalanghap mo
Huwag kang mag-alala kung ginamit ka lang niya
Dahul ginamit mo lang din naman si Inang Kalikasan
Pero uminom ka lang ng golden fiesta cooking oil
Dahil sabi nga sa commercial,
“Pitong beses ka mang gamitin, golden ka parin.”
Pero hindi eh, dahil mismong ganito ay kumukupas din
Lahat ng ito ay bigay sa iyo ng mundo
Pero huwag ka namang abusado
Mamutol ng puno at magsunog ng kung anu-ano
Sumigaw ka sa lugar na ito at mapapansin mo
Na may gumagaya pinagsasabi mo
‘Yan ang “echo-location”
Na kung ano man ang gawin mo sa Inang Kalikasan
Ay ‘yon din ang ibabato niya sa’yo
Dahil katulad ng kaibigan mong plastik
Ay delikado din sa mundong ginagalawan mo
Maaaring ngayo’y hindi mo ramdam amng epekto
Pero tandaan mo na sa huli
Ikaw rin ang uuwing luhaan at talo
Ito ang larong tayo ang talo
Dahil tayo ang nememerwisyo,
Gumagawa ng isyu na nakakasira sa ating mundo
Buti sana kung ikaw si Danaya
Na hawak mo ang brilyante ng lupa
Pero hindi naman ikay siya
Mukha ka lang talagang lupa
Kaya susuko na ako sa larong ‘to
Dahil nahihirapan na akong ghanapin ang kahapon
Dahil ngayon ay m,alaki ang pinagbago
Nakikita mo ba ang bilog na buwan na iyan?
Masdan mo ng mabuti
Baka sa susunod ay wala ng ganyan
Hindi ito banta kundi isang paalala
Aalagaan kita
Katulad ng iyong walang sawang pag-aaruga
Aalagaan nalang kita, Inang Kalikasan!